Gautama Buddha: Pagkakaiba sa mga binago

Nilalaman na inalis Nilalaman na idinagdag
Xsqwiypb (usapan | ambag)
Ang talasanggunian ay mas ginagamit sa pagtukoy sa bibliography habang ang mga sanggunian ay mas ginamait para tukuyin ang references (via JWB)
Tatak: Manual revert
 
(hindi ipinakita ang 6 (na) agarang pagbabago ng isang tagagamit)
Linya 46:
Tumakas ng madali si Siddhartha sa palasyo sakay ang kanyang kabayong si Kanthaka at kasama si Chanan, at iniwan ang marangyang buhay upang maging pulubi. Naunang pumunta si Siddhartha sa Rajagaha at sinimulan ang buhay [[asetiko]] sa pamamagitan ng paglilimos sa daan. Ngunit siya’y nakikilala ng mga lalake ni Haring Bimbisara at inalok siya ng hari ng trono nito matapos marinig ang layunin ng paglalakbay ni Siddhartha. Ngunit tinanggihan niya ito at nangakong pupuntahan muna ang Magadha sa pagtatamo ng kaliwanagan.
 
Nilisan niya ang Rajagaha at nagsanay sa ilalim ng dalawang [[ermitanyo]]. Matapos makasanayan ang mga turo ni Alara Kalama, inalok siya ni Kalama na humalili sa kanya. Gayunpaman, si Siddharta ay hindi nakuntento sa pagsasanay at naging mag-aaral din siya ni Udaka Ramaputta, ngunit kahit marating na niya ang matataas na antas ng [[meditasyon]] at aluking palitan na si Udaka, nakita pa rin niya ang sarili niyang hindi kontento sa daang kangyang tinatahak kaya’t nagpatuloy na lamang siya.
 
Si Siddhartha at ang isang pangkat ng limang mga kasama na pinangunahan ni Kaundinya ay sinasabing nagtangka pa na higitan ang kanilang kahigpitan. Kanilang tinangkang hanapin ang kaliwanagan sa pamamagitan ng pag-aalis ng makamundong mga bagay kabilang ang pagkain na nagsasanay ng mortipikasyon ng sarili. Pagkatapos halos gutumin ang kanyang sarili tungo sa kamatayan sa pamamagitan ng pagtatakda ng kanyang pagkatain sa mga isang dahon o mani kada araw, siya ay bumagsak sa isang ilog samantalang naliligo at halos malunod. Pagkatapos ay naalala niya ang isang sandali sa kanyang pagkabata kung saan ay pinapanood niya ang kanyang ama na nagsisimula ng pag-aararo ng panahon. Kanyang nakamit ang isang nakatuon na estadong jhāna na sukdulang napakaligar at nagpananariwang muli.
===Pagkamulat===
[[File:Astasahasrika Prajnaparamita Victory Over Mara.jpeg|thumb|right|Ang Buddha na nagninilay-nilay ng nakaupo at pinapalibutan ng manunuksong demonyong si [[Mara (demonyo)|Mara]] at mga demonyong halimaw nito. Manuskritong Sanskrit; Nālandā, Bihar, India; Panahong Pāla]]
Ayon sa mga maagang tekstong Budista, pagkatapos niyang matanto na ang pagninilay nilay na jhana ang tamang landas sa pagkagising ngunit hindi ang sukdulang asetisismo, natuklasan ni Gautama ang tinatawag ng mga Budistang [[Gitnang Daan]] na isang landang ng kahinahunan mula sa mga kasukdulan ng pagpapapkasasa sa katawan at mortipikasyon ng sarili. Sa isang sikat na insidente, pagkatapos na magutom at manghina, sinasabing kanyang tinanggap ang gatas at pudding na kanin mula sa isang batang babae sa nayon na nagngangalang Sujata. Dahil sa kanyang pumayat na hitsura, napagkamalan siya ng bata na isang espirito na tumupad ng kanyang kahilingan. Pagkatapos nito, si Gautama ay sikat na umupo sa isang punong pipa na kilala ngayong [[punong Bodhi]] sa [[Bodh Gaya]], [[India]] kung saan ay namanata siyang hindi kailanman tatayo hanggang sa matagpuan niya ang katotohanan. Sina Kaundinya at ibang apat na mga kasama ay lumisan dahil sa paniniwalang inabandona na niya ang kanyang paghahanap at naging hindi disiplinado. Sa pagninilay-nilay ni Siddharta sa ilalim ng [[punong Bodhi]], tinukso siya ng demonyong si [[Mara (demonyo)|Mara]] ng mga magagandang anak na babae nito ngunit si Siddharta ay nanatili sa pagninilay-nilay. Pagkatapos ay nagpadala si Mara ng mga malalaking hukbo ng mga halimaw upang takutin si Buddha ngunit si Siddharta ay nakaupong hindi natitinag. Inangkin ni Mara na ang upuan ng kaliwanagan ay nararapat sa kanya at hindi kay Siddharta at nagsasabing ang kanyang mga nagawang espiritwal ay mas dakila kay Siddharta. Ang mga halimaw ni Mara ay tumangis ng sabay sabay na "Ako ang kanyang saksi!". Hinamon ni Mara si Siddharta na "sino ang magsasalita para sa iyo?". Hinipo ni Siddharta ang lupa ng kanyang kanang kamay at ang mundo ay umugong na "Ako ay nagpapatotoo sa iyo!" at pagkatapos ay naglaho si Mara.<ref>{{Cite web |url=http://buddhism.about.com/od/eightauspicioussymbols/a/earthwitness.htm |title=Archive copy |access-date=2013-03-04 |archive-date=2013-03-26 |archive-url=https://web.archive.org/web/20130326121133/http://buddhism.about.com/od/eightauspicioussymbols/a/earthwitness.htm |url-status=dead }}</ref> Sa ilang salaysay, ang inang mundo ay umahon mula sa lupa at nagpadala ng isang malaking baha na tumangay kay Mara at kanyang mga hukbo. Pagkatapos ng 49 araw ng pagninilay-nilay sa edad na 35, sinasabing nakamit ni Siddharta ang [[Kaliwanagan]]. Ayon sa ilang mga tradisyon, ito ay nangyari sa tinatayang ikalimang buwang pangbuwan o sa ilan ay sa ikalabindalawang buwan. Mula noon, si Gautama ay nakilala ng kanyang mga alagad na ang Buddha o "Ang Isang Namulat o Nagising". Ang "Buddha" ay minsang isinasaling "Ang Isang Naliwanagan". Ayon sa [[Budismo]], sa panahon ng kanyang pagkamulat, kanyang natanto ang kumpletong kabatiran tungo sa sanhi ng pagdurusa at sa mga hakbang na kailangan upang matanggal ito. Ang mga pagkakatuklas na ito ay tinatawag na "[[Ang mga Apat na Maharlikang Katotohanan]]" na nasa puso ng katuruang Budista. Sa pamamagitan ng pagsasanay ng katotohanang ito, ang isang katayuan ng supremang kalayaan ay pinaniniwalaang posible para sa sinumang nilalang. Ang Buddha ay naglarawan sa [[Nirvāna]] bilang ang sakdal na kapayapaan ng isipan na malaya mula sa kamangmangan, kasakiman, poot at ibang mga nagpapahirap na kalagayan o mga karumihan (kilesas). Ang Nirvana ay itinuturing ring ang "wakas ng daigdig" sa kadahilanang walang pansariling pagkakakilanlan o mga hangganan ng isipan ang nananatili. Sa gayong isang estado, ang isang nilalang ay sinasabing nag-aangkin ng Mga Sampung Katangian na kabilang sa Buddha. Ayon sa isang kuwento ng Āyācana Sutta (Samyutta Nikaya VI.1) — na isang kasulatang matatagpuan sa [[Pāli]] at iba pang mga kanon ng Budismo- sa sandaling pagkatapos ng kanyang pagkamulat, dinebate ni Buddha kung o kung hindi niya dapat ituro ang [[Dharma]] sa iba. Siya ay nabahala na ang mga tao ay labis na napanaigan ng kamangmangan, kasakiman at poot na hindi nila kailanman makikilala ang landas na malalim at mahirap maunawaan. Ayon sa kuwento, hinikayat siya ni Brahmā Sahampati na nangangatwirang kahit papaano ang ilan ay makakaunawa nito. Ang Buddha ay lumubag at umayon na magturo nito.
 
===Pagkakabuo ng Sangha===