"...at kung sa nakalipas na apat na taon ay hindi kita nagawang kalimutan, hindi pa ba iyon sapat para sabihin kong mahal kita?"
Nakilala ni Dalisay si Zach sa isang "dating match" na pakulo ng Islet Craze Restaurant sa isang mall. Napadpad doon si Isay sa pagtakas sa isang training ng napasukang trabaho samanatlang si Zach naman ay naroon kasama ng nobya nito.
Pitong araw ang itinakda upang magkasama si Zach at Isay sa iisang lugar na kung tawagin ay Isla Puting Buhangin. Pitong araw na puno ng magagandang alaala sa pagitan ng dalwang taong may malaing agawat sa edad at pag-iisip.
May pag-asa kayang lumalim ang pag kakakilala ng dalwang taong pinagtiyap lamang ng isang biro ng tadhana? Magsilbi kayang tuldok sa pagitan nilang dalwa ang pagtatapos ng pitong araw na pamamalagi sa liblib na isla o ito pa lamang ang simula ng isang matamis na pangako ng pag-ibig?