Jump to ratings and reviews
Rate this book

Hindi Ito Romansa

Rate this book
"Hindi nga mga romansa ang mga kwentong narito, kundi mga transgresyon. Samantalang naaawa pa si Pascual sa mambabasa sa kanyang mga naunang libro, dito'y hindi na siya nagpapigil."

- U Z. Eliserio
Awtor ng Tungkol sa Aso at Apat na Putok

249 pages, ebook

First published January 1, 2020

Loading interface...
Loading interface...

About the author

Chuckberry J. Pascual

18 books40 followers
Si Chuckberry J. Pascual ay isang Pilipinong manunulat ng mga maikling kuwento at dula. Siya ay pinanganak at lumaki sa Malabon, laki sa lola dahil sa parehong OFW ang kanyang mga magulang. Sa kanyang paglaki, nakasanayan niya ang bahaan, mga palengkeng parating may murang seafood, at saka ang amoy ng Malabon na malansa (na siyang sabi naman ng mga hindi tagaroon). Siya ay kasalukuyang nakatira pa rin sa Malabon pero tinuturing niya din ang sarili bilang taga-Santa Rosa, Laguna.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas - Diliman (UP) bilang cum laude sa kursong BA Malikhaing Pagsulat noong 2003, nagkamit ng MA sa Araling Pilipino (Kasaysayan at Panitikan) noong 2008, at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Malikhaing Pagsulat simula Abril 2009. Ilan sa mga parangal at pagkilalang kanyang natanggap ay ang pagiging fellow sa Unibersidad ng Santo Tomas, Ateneo, at UP National Writers' Workshops, at siya rin ay kasapi ng KULITI, isang lipon ng mga kabataang manunulat. Katatapos niya lang magturo ng Filipino sa klaseng regular at pandangal sa Ateneo de Manila High School.

Bata pa lang ay mahilig ng magbasa si Chuckberry J. Pascual. Nagdo-drowing siya dati ng mga sarili niyang bersyon ng komik novels sa isang buong intermediate pad. Sa kanyang paglaki ay napunta siya sa pagsusulat ng mga maikling kuwento dahil napagtanto niyang hindi siya marunong tumula. Walang partikular na estilo sa pagsulat si Chuckberry J. Pascual. Basta ang sigurado, karamihan sa kanyang mga naisulat, at iyong mga nalimbag - halos lahat sila ang protagonista ay bakla. Sinusubukan niyang tingnan ang mundo mula sa perspektibo ng mga bakla, partikular ang Pilipinong bakla na taga-Maynila at Malabon, kadalasan ay middle class.

Marami na rin ang mga nailimbag niyang mga maikling kuwento. Pinakahuling lumabas ang "Kumpisal" sa Ani 36 (2011), "Lorenzo" sa Talong/Tahong: Mga Kuwentong Homoerotiko (2011), at "Mga Kotse Sa Airport" sa Kathang-isip: Mga Kuwentong Fantastiko (2011). Kabilang din ang mga maikling kuwentong "Mananayaw", "Kantanod", "Ritwal", at "Sangandaan". Ilan pa sa kanyang mga gawa:

Ratings & Reviews

What do you think?
Rate this book

Friends & Following

Create a free account to discover what your friends think of this book!

Community Reviews

5 stars
7 (53%)
4 stars
4 (30%)
3 stars
2 (15%)
2 stars
0 (0%)
1 star
0 (0%)
Displaying 1 - 4 of 4 reviews
Profile Image for Gerald The Bookworm.
231 reviews392 followers
June 14, 2024
Nabago nito ang tingin ko kay Chuckberry Pascual. Hindi ko bet ang Mars, May Zombie, akala ko noon ganoon talaga siya magsulat, pero hindi pala. Napatunayan iyon ng librong 'to. Iba ang tono niya dito. Gusto ko.

Napakamapagmasid ni Chuckberry sa nararamdaman ng mga bakla. May lalim 'yung struggles ng mga karakter dito. May pinanghuhugutan. Naiintindihan ko sila dahil at some point of may bakla life ay napagdaanan ko na rin sila.

Pinakatumatak sa akin 'yung unang kwento. Ang galing nun! The love square is love squaring!

Naenjoy ko!
Profile Image for Miguel Carlos Lazarte.
22 reviews1 follower
July 7, 2024
“..Kung demokratiko ang pag-ibig, kung kaya natin na higit pa sa isa ang mahalin, ganoon din yata ang panahon, hindi ba’t imposisyon lang din naman sa ating lahat itong pagkakaroon ng iisang panahon, baka naman maraming panahon na iniiralan ang marami nating sarili, sa iba’t ibang sitwasyon, sa iba’t ibang lugar, kasama ang iba’t ibang tao na iba’t iba rin ang relasyon sa atin..”

Halong koleksyon ng maiikling kuwento at novella ang laman ng libro. Tila kada kabanatang kuwento ay pag-uusig sa naratib ng queer na karakter — siyang hindi estranghero sa kakatwa at karahasan. Litaw ang mga karakter na Filipino sa pagpapahalaga sa pagiging parte ng pamilya: mapa-anak, magulang, o kasintahan. Nakakaaliw ang pagiging spekukatib ng akda at sa mga monologong internal na tila pagsisinulid sa kaloob-looban ng madilim at misteryosong utak ng tao.
5 reviews
June 24, 2023
Maraming naiintindihan si Chuckberry, ang pagiging bakla, pagiging bata, pagiging matanda, pagiging wirdo, pagiging komedyante, at pagiging totoo, sa totoo lang.
Displaying 1 - 4 of 4 reviews

Can't find what you're looking for?

Get help and learn more about the design.