Pinoy Reads Pinoy Books discussion
note: This topic has been closed to new comments.
ABSBYNGPGBBSNGAKLT
>
THE BIRTHING OF HANNIBAL VALDEZ by Alfrredo Navarro Salanga
date
newest »
Dapat nating kilalanin si Alfredo Salanga. One of the underrated writer Pinoy writers. Sa kanya isinunod ang PBBY-Salanga award.
Laking gulat ko talaga nang ibinebenta ang kanyang mga libro sa New Day Pub. Akala ko out of print na. Natambak lang pala sa warehouse nila.

Ryan wrote: "Join ako sa sabayang pagbabasa. Mapa-ingles o tagalog version o parehas"
Ayan, may backing na ni Master Rise!
Naku, solid 'to.
Kung matutuloy ang Book Tour, first time natin siyang makakasama. I can't take this awesomeness!

Nyay! Grabeng abala na 'yun, Kuya.
Mag-iisip na lang ako ng paraan para puntahan ka sa Pioneer Heights.
Salamat! :)

Flooding lang, Kuya?
Hahaha!
Ano bang mechanics natin dito? Batuhan na lang tayo ng mga opinyon as we read along?

Ryan wrote: "Go na kami? Baka next MIBF ... Oooops. hahaha"
Flooding... sa iPhone kasi yan. Alam mo yong di mo alam kung na-post o hindi so ulit-ulit.
Simula na natin ito sa Jan 10?
Ano bang style? Maglagay na lang ng thoughts? Tapos react-react na lang?

Unstructured na lang na diskusyon. Ayus lang sa Enero 10. Nabasa ko na nga ang Ingles, yung Tagalog na lang ang babasahin ko sa pagkakataong ito.
Masayang Bagong Taon sa lahat! Woo-hoo!
Masayang Bagong Taon sa lahat! Woo-hoo!
Manigong Bagong Taon din sa iyo, Rise! Hipster Hooray!
Saktong sa panahon din ng putukan ipinanganak si Hannibal Valdez.

Pasensya at sa ilang kadahilanan ay naantala ang aking pagbibigay ng kuro sa librong ito. Ako ay nasa p. 107 ng nobela (ikalawang bahagi) pa lang.
Mga ilang obserbasyon ko ang mga ss:
Mahalaga ang ginamit na titulo "Ang Pagsisilang kay Hannibal Valdez". Hindi pagkasilang o pagsilang o kapanganakan. Nasa pangkasalukuyan. Sa Ingles, birthing, sa halip na birth lang. Isang tinatawag na gerund.
Tila baga ang pagsisilang kay HV ay pagsisilang sa kanyang kasaysayan, na syang pinasisinayaan ng nobelang (o novella na) ito. Maaring itanong: Ito rin ba ay pagsisilang sa pagkabansa ng Filipinas, pagsisilang sa nobelang (post-)kolonyal? Kung si Virgilio S. Almario ang tatanungin, batay sa kanyang paunang salita, si Leon Valdez (lolo ni HV), na syang tunay na paksa ng novella, ay isa lamang partikular na karakter sa nobelang pangkasaysayan na ito. Hindi dapat sya akuin na natatanging uri ng Filipino sa makasaysayang panahong iyon (digmaang Filipino-Espanyol at digmaang Filipino-Amerikano). Isa lamang sya sa mga uri ng karakter na binigyang buhay ni Salanga.

Medyo nalilimitahan ako sa pananaw ni Almario tungkol sa novella. Mainam naman ang sinabi nyang paalala na hindi dapat ituring si Leon Valdez na unibersal na uri ng lider noong panahon ng Rebolusyong 1896. Para sa kanya, "Ang salaysay ni Leon Valdez sa loob ng buong salaysay ... ay malayong kumatawan sa pangkalahatang kasaysayan sa pagitan ng taong 1896 at 1945. Manapa, maaari lamang ituring na sa pamamagitan ni Leon Valdez ay binibigyan ni Salanga ang mambabasa ng isang paraan ng pagtanaw sa naturang yugto ng kasaysayan ng bansa, isang paraan ng muling pagbalangkas at pagsusuri sa nakaraang karanasana, at siyang pangunahing silbi ng akdang kauri ng [novella]." Bagamat inamin naman nya sa una na sa katauhan ni Leon Valdez "nalagom ni Salanga ang ilang tanyag na birtud at limitasyon ng mga lider ng Rebolusyong 1896."
Para sa akin kailangan balansahin ang pagtinging ispesipiko o partikular sa karakter at pagtinging simboliko at pangkalahatan. Maaaring si Leon Valdez at ang kanyang kasaysayan ay mga metapora rin ng kasaysayan at uring Filipino. Nilagom nga, o parang synthesis ng kasaysayan ang ginawa ni Salanga. Ang pagsisilang kay HV sa panahong nagngingitngit ang panahon (isang maunos, di panatag, at di mapakaling panahon na walang kaseguruhan), ang pagsisilang sa kanya ng isang doktor na Amerikano, sa halip na Pilipino, maaring ang mga ito ang nagbibigay ng mungkahi kung paano natin maaring tingnan ang "pagsisilang" na pagsisilang ng masalimuot na identidad ng mga Pilipino.

P.S. Ang pagkapisak ng isang mata ni HV dahil sa forceps na ginamit ng nagpaanak na Amerikano ay isang pangyayaring, bagamat aksidente, ay maaring bigyan ng iba pang pakahulugan. Ang pagkasira ng isang mata ay magpapahirap sa kanyang paningin, bubulag sa ilang pagtanaw. Naalala ko ang isang notorious na sanaysay: A Damaged Culture ni James Fallows na tumalakay sa pagkasirang idinulot ng presensya ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Sorry, Ryan. Busy lang sa trabaho. Di na kita nasabayan sa pagbabasa ng libro. Pero sige, babasahin ko ito at para makapagkomento ako dito.
Ryan wrote: "Medyo nalilimitahan ako sa pananaw ni Almario tungkol sa novella. Mainam naman ang sinabi nyang paalala na hindi dapat ituring si Leon Valdez na unibersal na uri ng lider noong panahon ng Rebolusyo..."
Ang galing Ryan! Maaari ngang kinakatawan/sumasalamin kay LV kung ano ang kalagayan, gawi at mga pagbabago naganap sa ilang uri ng Filipino at ng bansa na rin noong panahon nang pumasok ang mga Amerikano. Ipinakita din sa akda ni Salanga ang mga tema ng kurapsyon, pagiging sakim, kolonyal na pag-iisip, sistemang piyudal, at maging yung kakatwang pagbabago ng relasyon ng pamilya. Isama pa nga ang batas ng kalikasan.

pansin ko rin yung sinisimbolo ng Lider-Kasama na si Honorio, Pilipinong pilipino na inalipin ng mga naging amo. Sunod-sunuran.
pansin ko rin yung mga matinding sistemang patriyakal na umiiral. Pati posisyon ng mga babae na nariyan lamang para magsilbi sa lalaki.
Pero iba ang paglalarawan ni Salanga sa misis ni LV. Parang di siya makaporma sa misis niya. Parang mas makapangyarihan ang asawa niya kaysa sa kanya. Litaw iyon sa kung paano nahubog ang kanyang anak na si Antonio. Pakiwari nya'y parang binabae dahil mas nahilig magdasal at gumawa ng mga gawaing bahay kaysa gawaing panlalake.
Ipinakita rin dito ni Salanga kung paano naging adaptive ang mga pulitikal na lider sa harap ng kanyang amo/kalaban/mananakop para mabuhay.
Kung paano naging predation ang umiral na batas noong panahon na iyon.

e kung sinabi ni sir Rio na malayong kumatawan sa pangkalahatang kasaysayan sa pagitan ng taong 1896 at 1945 ang kuwento ni Salanga, e ano bang naging dahilan ng sinapit ng himagsikan, ni bonifacio, ng pagkatalo ni Emilio sa Amerikano? Ang mga sinapit nina A. Luna, Sakay at iba pang mga rebulusyonaryo?
dagdag natin yung kuwento ng mga KOLORUM ni sir Munsayac
yung kuwento ni Ka Amado na Mga Ibong Mandaragit.
sa madaling sabi, ano pa ba yung iba pang mukha ng Kasaysayan natin?

This topic has been frozen by the moderator. No new comments can be posted.
Sinu-sino ang gustong sumama?