Jess's Reviews > Macarthur

Macarthur by Bob Ong
Rate this book
Clear rating

by
19905127
's review

it was amazing

Ito yung librong puno ng mura,droga,mura ulit,alak,mura ulit tapos mura ulit...
Pero ito yung librong puno ng puso, pagkakaibigan at aral. Nung una hindi ko magets kung bakit siya pinamagatang "MACARTHUR" (sabi ko pa non, siguro tungkol to kay macarthur), hindi pala. Pakiramdam ko hinugot yon sa sikat na linya ni MacArthur ang "I Shall Return" hindi dahil sa isang tae daw si cyrus (isa sa mga karakter ng storya) na walang kwenta, ayon kay topak(gahamang pulis sa storya).
Kundi dahil sa aral na kahit ano pa ang mangyari, kahit gaano kapa katigas, kahit gaano kapa katapang.
Sa bawat sakit at luha wala kang ibang tatakbuhan kundi ang iyong pamilya at mga kaibigan.

Yung librong ito yun, habang high na high ka kakabasa sa mga parte kung saan magkakasama yung apat na magkakaibigan. Pero kapag naghiwa hiwalay na sila at umuwi sa sarili nilang tahanan, maiisip mo na "Dito magsisimula ang storya". hindi ko masisi ang pamilya nila Noel, Voltron , Jim at Cyrus. Una si Noel, hindi mo masasabing nagkulang ang pamilya niya sa paggabay sa kanya, hindi naman sila mahirap. Sa dami ba naman ng gamit na naibenta niya, alang alang sa rockrakan nila. Tapos si Voltron (Denver Amadeus/Abnomalites) Panganay sa anim na magkakapatid, para siyang bread winner. hindi man siya ganon katalinuhan, alam naman niya ang responsibilidad niya bilang panganay, hanggang sa bandang huli pati sarili niyang kaligtasan nasakripisyo niya dahil sa maling pagtahak ng landas. Si Jim, dakilang father figure, may asawa at anak na kailangn suportahan, tinatahak man ang bawat sulok ng iskinita para magkapera, wala ring nagawa para ingatan ang pamilya. At huli ang pinaka bata si Cyrus, wala man ang tunay na ama at ina, nagsilbi namang gabay niya si Mang.gusting na tumayong tatay niya. Dakilang snatcher ng storya, may pinaka mabilis na kamay at paa. Pero ang malikot niyan pagiisip ang nagtapos ng lahat.

Masyadong sensitibo itong libro para sa mga kabataan (yun ang palagay ko) Masyadong mabigat ang mga litanya ng mga karakter na hindi kaaya aya sa mata ng mga batang mambabasa. Pero kung medyo matanda na ang magbabasa, irerekomenda ko pa ito.
Ito yung kauna unahang libro na napatawa ako kahit na alam kong masama at mali ang ginagawa nila. Siguro kasi mulat na rin ako sa mga ganong pangyayari (hindi ako adik ha!) ang ibig kong sabihin, talamak na ang ganyan sa pilipinas kumbaga, "Nothing new". Ang pinupuri ko sa libro na to ay kung paano nito kuhang kuha ang bawat pangyayari na pakiramdam mo ay kasama mo ang mga karakter sa bawat pangyayari. Hangga talaga ako sa may akda nito, sobrang makatotohanan at hindi nagmukhang scripted ang daloy ng storya.

Kagaya nga ng sabi sa libro. Kung batong bato kana, ito na ang basahin mo!
Rockrakan na!
3 likes · flag

Sign into Goodreads to see if any of your friends have read Macarthur.
Sign In »

Reading Progress

June 25, 2013 – Started Reading
June 25, 2013 – Shelved
June 26, 2013 – Finished Reading

No comments have been added yet.